Likas na masipag si Biboy.
Kahit wala pa siyang pananagutan sa buhay ay talagang responsable
siya at itinuturing na bread winner ng kanilang pamilya,
Nakapila tuloy ang mga dalagang may crush sa kanya sa kanilang
looban.
Guwapo at macho na nga ay masipag pa.
Sino ba naman ang hindi mahahaling sa kanya.
Dalawa sa pinakamasugid na fans ni Biboy ay ang Nursing student
na si Kay at ang batambata at seksing teacher na si Ms. Yu…Len ang first name niya at madalas ay iyon din ang tawag
sa kanya ng mga kaibigan niya pati na si Biboy.
Dahil magkababata at matagal nang magkapitbahay, mas close siya
kay Len at wala siyang sablay sa paghahatid at pagsundo sa dalaga kapag pasukan.
Kahit ramdam ni Biboy na hindi lang kaibigan ang turing sa kanya
ni Len ay hindi naman niya sinasamantala ang lihim na damdamin nito sa kanya para malapanlamang. Dahil sa katangiang ito ng
binata, lalo lamangsiyang napapalapit sa loob ng guro.
"Naku…magkamali lang na magtapat sa akin ‘yang si
Biboy ay hindi ko na talaga siya pakakawalan. Pakakasal kami isang oras matapos na sagutin ko siya."wika ni Len habang kausap
ang co-teacher niyang si Veron habang naglalakad sila papasok sa loob ng compound ng school.
Sabay kasi lagi na nag-aabang kay Biboy ang dalawang dalaga
na parehong kababata at dating kaeskwela ng binata.
Alas-7 ng umaga kung sunduin ni Biboy sa bahay nila sina Veron
at Len habang alas-10 naman ng umaga ang pasok ng estudyanteng si Kay.
Kung hawig sa artistang si Rhian Ramos si Len, carbon copy naman
ni Marian Rivera si Kay.
Contrast na contrast ang mga ugali at kilos nina Kay at Len.
Magaslaw, makulit at pasaway si Kay dahil medyo bata pa habang
tahimik at old fashioned ang huli.
Kapag si Kay ang pasahero niya ay kung saan-saan muna ito nagpapahatid
bago umuwi o pumasok sa school.
Kaya kadalasan ay malaki ang nagiging bayad niya sa serbisyo
ng binata.
Pahirapan naman sa pagbabayad ang dalaga dahil ayaw tumanggap
sa kanya si Biboy.
Ang katwiran nito ay ibabayad din naman niya sa iba yun kung
sumakay siya sa mga kasamahan ni Biboy.
Kapag ganoon na ang litanya ni Kay ay wala nang choice si Biboy
kundi ang tanggapin ang perang ibinabayad ng dalaga.
Takutin ba naman siya na hindi na sasakay sa kanya kahit kailan
kapag hindi tinanggap ang bayad ng dalaga e, di mabilis pa sa alas kuwatrong inabot nito ang pera.
Sa dalawang babae ay mas nakakahigit ang espesyal na pagtingin
ni Biboy kay Kay.
Noong minsan kasing nalasing ang binata ay naitsika nito sa
kaibigan niyang si Tolits na type na niya si Kay at liligawan daw niya ito pag nakatapos na ang dalaga.
Magkasama sila ni Tolits nang hapong iyon nang tawagin si Biboy
ni Len.
"Bumaba ka muna, Tolits. Mukhang magpapaserbis yata sa akin
si Len. Magkita na lang tayo mamaya,"wika ni Biboy sa kaibigan.
"Saan ang punta mo, Len? Bihis na bihis ka, a…mukhang
hindi mo kasama ang sparring partner mo," kantyaw ni Biboy na ang tinutukoy ay ang kaibigan nito na si Veron.
"Wala nga,eh…may sakit pareho nga kaming ninang dun sa
kabilang subdibisyon sagot niya sa binata.
Alas-3 ng hapon ang binyag at nang sumakay si Len kay Biboy
ay alas-2 pa lamang pero alas-8 na ng gabi ay magkasama pa ang dalawa dahil nasiraan ng motor ang binata sa ilang na lugar
habang sila ay papauwi na.
Ang sama pa naman ng panahon at nagbabanta ang malakas na pagbuhos
ng ulan.
"Naku…wala pa naman akong dalang cellphone." himutok ni
Len habang nakaupo sa tabi ng tricycle na pinipilit paandarin ni Biboy.
" Matindi ang sira nito. Biyak ang block. Ang mabuti pa siguro
ay ihanap na lang kita ng ibang masasakyan pauwi,"wika ng binata.
"Ay! Ayoko nga! Baka sa adik pa ako mapasakay ay ma-reyp pa
ako. Iwan na lang natin dito ang motor mo at saka tayo umuwi."
"Hindi nga puwede. Gusto mo bang makarnap dito yan!" sagot naman
ng binata.
Ang ending magkasama sila habang ginagawa ni Biboy ang motor.
Mag-aalas-9 ng gabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Ginaw na ginaw ang dalawa habang hinahaplit ng hangin at ulan
ang tricycle na sinasakyan ng dalawa.
Wala kasing trapal ang body ng sasakyan kaya’t tagusan
ang hangin at tubig.
Ilang minuto lang ay kapwa basa na ang mga damit nila.
Naghubad na lamang ng kanyang t-sjirt at pantalon si Biboy dahil
talaang grabe na ang pagkabasa niya.
Kahit medyo naaalangan kay Biboy ay wala ring choice si Len
kundi hubarin ang kanyang blouse at pantalon para hindi siya masyadong ginawin.
Nagsiksikan ang dalawa sa loob ng tricycle upang bahagyang makaiwas
sa malakas na hangin.
Hindi nila naiwasan na magkadikit ang kanilang mga katawan dahil
sa matinding ginaw.
At dahil doon ay nagkaroon sila ng ideya na magyakap upang makaamot
ng init mula sa kani-kanilang katawan.
Hindi imposibleng isang lalaki at isang babae na magkatabi sa
loob ng tricycle na parehong halos hubad na ay kapwa matukso sa isa’t isa.
Huli na nang matagpuan nila ang kanilang mga sarili na magkayakap
habang naghahalikan.
Walang anumang pagtutol na narinig si Biboy mula sa bibig ni
Len nang angatin nito ang bra ng dalaga sabay himas sa malulusog na dibdib nito.
Naghatid iyon ng kakaibang init sa katawan ng dalaga.
Magkahalong kiliti at init na tumatagos hanggang sa kanyang
mga buto.
Gumanti ng halik si Len.
Mas malagkit at mainit.
Dahil nagpapaubaya na si Len, sinamantala na nang husto ni Biboy
ang pagkakataon.
Ang kaninang malumanay na paghimas ng binata sa magkabilang
dibdib ni Len ay naging lamas at lamutak na.
Gumagapang na rin ang kaliwang kamay ng binata patungo sa dakong
ibaba.
Pumasok ang pangahas na kamay sa loob ng garter ng panty ni
Len at saka pinakialaman ang mahabang hiwa doon.
Napapikit si Len.
Sabik na hinintay ang iba pang gagawin ng binata.
Patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan at haplit ng hangin.
Ang lamig na hatid ng pagsusungit ng panahon ay hindi na nararamdaman
ng dalawa.
Magkahugpong na kasi ang kanilang mga katawan at ang init na
dulot niyon ay sapat na upang matanggal ang kanina lamang ay nararamdaman nilang ginaw.
Madaling araw na nang huminto ang ulan.
Kasabay niyon ang paghupa ng init ng kanilang mga katawan.
Ang sumunod na eksena ay ang pamamanhikan at ang pag-uusap sa
kanilang mga susunod na plano.
Makalipas ang isang buwan ay ikinasalang dalawa.
Nangupahan ng apartment sina Biboy at Len.
Naging maayos at Masaya naman ang kanilang relasyon sa unang
apat na buwan ng kanilang pagsasama.
Hindi inaakala ni Biboy na masusuong siya sa pinakamalaking
problema sa kanyang buhay nang masangkot sa kanilang relasyon ang dati niyang kaibigan na si Kay.
Nagkita kasi sila noong minsang namamasada si Biboy at natukso
ang dalawa na gawin ang isang bagay na lagpas na sa kanilang pagkakaibigan.
Ang masama ay nabisto ni Len ang kanilang relasyon.
Hinuli niya sa akto ang dalawa at nagkrus ang landas nina Kay
at Len.
Huli sina Biboy at Kay habang magkapatong na nagtatalik sa loob
ng isang silid sa motel na iyon.
Lumayo na lamang si Kay.
Nag-abroad siya upang makalimot at magkaroon ng katahimikan
ang pagsasama nina Biboy at Len.
WAKAS